Countdown

Daisypath Wedding tickers

11.28.2012

Lights & Sounds.. Booked!

Since budgeted ang aming wedding, I need to book a supplier that has a budget-friendly rates pero dapat good quality din! :)

I found them sa w@w and ang good reviews sa kanila ang mga w@wies! :)

As I found out  na ilang wedding na din ang nagawa nila sa Target Venue namen, I shoot them an email agad.  Sir Joseph replied promptly and found out na pati PC eh nakatrabaho na din nila so good point din yun sa akin..I want kasi na yung suppliers ko eh familiar na sa mga expectations ng isa't isa para harmonious ang peg nila!hihi  :)

Also, sa email palang alam kong masasabi ko agad yung questions ko kay Sir Joseph..He's very patient sa akin since wala talaga akong alam sa mga par of lights na requirement daw minsan ng caterer or stylist!haha! :)

Walang sabi sabi, I made a fund tranfer sa kanila and viola! Sir Joseph sent us the Contract agad! :)

Another item crossed out sa checklist! :)

11.10.2012

Trial Gown Fitting :)


Since super okray kay Kim ang mga peg kong gowns, naisip kong magtry magsukat ng gowns.  Lucky, Nat (a fellow w@wie) posted a pic from her gown fitting from Ivory and White. I immediately set an appointment with them and they replied promptly. I was excited talaga! :)

On the way to the shop, napaisip ako kung may kakasya ba sa akin na gown..(hahaha..petite mode kasi ako).

Ms Miles welcomed us and super accomodating sila ni Ateng assistant (sorry ate I forgot your name..hehe). We chose 4 gowns to fit.

Gown Number 1: Cerise

Inisip ko talaga na kapag nakasukat na ko ng gown, kay Kim ako unang titingin para makita ko reaction nya.. Worth it!hahaha.. I saw him na medyo teary-eyed na hindi ko malaman kung ano yung expression na yun..haha.. Worth remembering talaga. Super nainlove si Kim sa gown na ito at ito talaga ang bet nya sa mga nasukat ko.

Our Coord suggested a serpentine gown for me para daw may shape. I remember telling her na anlaki ng puson ko baka maexpose..hahaha..Nung chinicheck ni Kim yung detail for the gown, he said "Nasan yung puson mo?Magic!" hahaha..Okray pa rin sya!hahaha.. 

Here are some photo of the first gown..

Cerise (Front)

Cerise (Back)

Cerise (Side View)
 Gown Number 2:

Eto yung least na nagustuhan namen kasi super simple lang nya at madame nang nakasuot ng ganitong type ng gown..hahaha..Di ko na din natanong yung name nya.. :)

Front
Back
Detail ng back

Gown Number 3: "Princess Mikay Dress"

Eto daw yung peg sa pagkatao kong gown..hahahaha..Nilagyan pa ni Ms Miles ng headband as accessories kaya F na F namen!!hahaha..Pero medyo di ko din sya gusto..or dahil maluwag lang yung gown sa akin kaya mejo hindi ko sya bet?hehehe

Princess Mikay (Front)
Princess Mikay (Back)
Princess Mikay back details (pls don't mind the tube!haha)
Princess Mikay front detail

Gown Number 4: Mariet

Eto pa yung isa nameng nagustuhan na gown. I saw Kim as he almost jump sa saya when he saw me wearing this.  Maluwag pa ito ng lagay na yun pero naappreciate pa din namen yung fit nya.. :)

Mariet (Front)

Mariet (Front)

Mariet (Back)

Front Details (Never mind the tube!hahaha)

Mariet (Side View)

So, That's it! Nakakatuwang magfitting..Pero dahil matagal pa ang 2014, Chillax muna kame.. :)